Ama, Nasaan Ka? » Manila Bulletin Newsbit

Manila Bulletin Philippines

Breaking News from the Nation's leading newspaper

Tempo

Online Newspaper

Showbiz and Celebrity News

Sports News

World News
News Asia

Ama, Nasaan Ka?

P O E M

Updated

Ni Reymarvelos M. Oros

 

Katulad sa isang bayaning walang bansa

Ang isang batang sa ama ay naulila.

Walang saysay na buhay ang makakamtan,

Dangal niya ay lalamunin ng kadiliman.

 

Katulad sa isang sangang walang bunga

Ang isang batang sa ama ay naulila.

Walang tamis na katas ang matitikman,

Pawang pait ang malalasahan kailanman.

 

Katulad sa isang salamin na basag na

Ang isang batang sa ama ay naulila.

Walang maaaninag na larawan,

Walang makikitang kagandahan.

 

Ama, nasaan ka?

Ama, nasaan ka na ba?

Bumalik ka na.

Sana ay bumalik ka na!

 

(This poem was among the submissions emailed to phpanoramaliterary@gmail.com.)

Related Posts